Thursday, September 17, 2015

LITERARY COMPOSITION


Literary Composition

Musika

Malayang himig
Umaaliw ng lumbay
Sa taong panglaw



Mata

Mga matang marikit
Sadya ngang nang-aakit
Ang diwang nakapikit
Kamuntik ng lumapit



Hangyu

Unhon pa sa ang kahamok sa kanmo kwarta
Haw magtrabaho kaw na waray pagkahangawa?
Anay uno mo pa gayud na pagkugi
Di kaw malipay sa mga adlaw na maagi.

Diri ba pwede na makadto lang garu  hain kaw yahanguo?
Nanga sa maghandum pa sa mga butang na mapuo?
Unhon mo pa sa taraw ang buod na mahawag
Haw kasingkasing ug damgu pasingud da matumpag?

Amuhay da gayud ini kanak hangyu
Tugtihay isab ining anak mayu na gatiyahu
Unhon ta kay na amo say kanak yahimay-an
Ang pagsunod sa taglaong ng Ginoo kanatu tanan.



Sigaw ng Puso

Bawat tunog ng awiting ito
sigaw ng puso ko'y maramdaman mo pag-ibig ko
nangangambang ihayag pang muli
pagkat may hangganan na ang pag-ibig natin.

Sana'y malaman mo ang himig ng puso ko
hanggang ngayo'y ikaw lang ang ninanais nito
kahit malayo ka man upang iyong malaman
alaala nati'y 'di malilimutan
umaasa na sana balang araw 
paglalapitin muli ng Diyos 
mga puso natin.



Pag-ibig ang Dahilan

Ano nga ba ang 'Yong dahilan
Ako'y Iyong pinaglaban
Nagdusa Ka't sinasaktan
Upang ako'y mabuhay lang.

Sadyang kaybuti Mo Ama
Buhay ko'y nagbago na
Pangangamba'y napawi na
'Pagkat ako'y niligtas N'ya.

Tunay at walang hanggan
Sa akin ay nananahan
Pag-ibig na wagas ang dahilan
Ako sa Iyo'y umaasam.

Ang puso ko'y nabihag na
Sa 'Yo Hesus aking sinta
Pag-ibig na wagas ang dahilan
Upang ako'y mayro'ng kalayaan.

Pag-ibig na wagas ang dahilan
Upang ako'y maro'ng kalayaan.



Islang Sinisinta
with D. Rodriguez

I
Bawat himig ng awiting ito
Pagmamahal ang alay sa bayan ko
Ang kalayaan na ating nakamtan
Ay hindi na maaagaw pa
Islang sinisinta . . . ah

Cho.
Kabayan ko gising na't tunghayan niyo
Natatanging bansa ng kasaysayan
Nagdusa't naranasan ang kabiguan
Makamtan lang ligaya't kaginhawaan.

II
Islang sinta, wala ng hihigit pa
Angking ganda'y gintong nakakahalina
Likas na yaman maging kultura man
Ay hindi mo . . . mapapantayan
Perlas ng Silanganan

No comments:

Post a Comment